Sundalo patay sa sagupaan ng militar, NPA

TODAS ang isang sundalo makaraang makasagupa ng 53rd Infantry Battalion ang mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Buug sa Zamboanga Sibugay Province.

Ayon sa ulat ng Philippine Army 1st Infantry Division, nagsasagawa ng reconnaissance operation sa Barangay Compostela nang makasagupa ng naturang grupo ang hindi mabilang na armadong rebelde.

Tumagal nang 30 minuto ang bakbakan na ikinasawi ng isang sundalo habang hindi naman mabilang ang nasawi sa panig ng NPA.

Pinaigting naman sa kasalukuyan ang hot pursuit operations laban sa mga rebeldeng komunista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply