“Super bagyo”, binalewala ng PAGASA

BINALEWALA lamang ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kumakalat na balita tungkol sa posibleng pagtama ng “super bagyo” sa bansa.

Ayon sa PAGASA, walang katotohanan ang pagkalat ng balita dahil ang binabantayang bagyo na may international name na “Haikui” ay nasa Hilagang bahagi na ng Pilipinas.

Gayunman, ang nararanasang pag-ulan nitong mga nakaraang araw ay dahil sa hanging habagat o southwest monsoon na dulot naman ng bagyo sa Hilagang bahagi ng bansa.

Sinabi pa ng PAGASA na asahan na ng taumbayan na makakaranas pa rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Kaugnay nito, naki-usap ang ahensya sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat na balita sa internet at sa halip ay bisitahin ang kanilang official website na www.pagasa.dost.gov.ph

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply