Suplay ng LPG kulang na, presyo tumaas pa

BUKOD sa nagkakahirapan ngayon sa suplay ng Liquified Petroleum Gas (LPG) patuloy din ang pagtaas sa presyo nito.
Sa kalakhang Maynila partikular sa Quezon City ay umaabot na sa P800 ang presyo ng bawat 11 kilogram na tangke nito.

Kinumpirma ito ni LPG-MA partylist Rep. Arnel Ty at aniya’y kahit siya ay nagulat sa bigla at nakagugulat na pagtaas ng LPG kumpara sa nararapat lamang na regular na presyong P640 kada tangke.

Aniya, hindi ang matinding pagbaha ang dahilan ng pagtataas ng presyo kundi ang kakulangan pa rin sa suplay ng LPG dahil hindi pa umano makadaong ang barkong may lulan nito mula sa Singapore, China at Taiwan.

Ang suplay na ito ay para sa kumpanyang Liquigas na nagsusuplay naman ng LPG sa mga retailers.

Dahil dito, nakiusap na si Ty sa Total, Shell at Petron na suplayan muna ng tatlong milyong kilo ng LPG ang Liquigas para mag-normalize ang sitwasyon subalit tumanggi na umano ang tatlong higanteng kumpanya ng langis.

Maging ang Department Of Energy (DOE) ay pinakiusapan na rin umano nila na gumawa ng paraan subalit dumistansya ang kagawaran dahil sa umiiral na deregulasyon sa oil industry.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply