Suplay ng pagkain ‘di apektado ng baha – DA

TINIYAK ni Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala na hindi maaapektuhan ng pagbaha ang produksyon ng pagkain sa bansa kahit nasalanta ang 20 probinsya sa Luzon at Visayas.

Ani Alcala, 25,958 ektarya ng pananim ang nalunod sa baha 20 probinsya sa Luzon at Visayas (Regions I, II, III, VI, CAR).

Umabot umano sa may P 152.13 M ang nalugi sa rice sector (131.49 ektarya), na sinundad naman ng mais na nalugi ng may P7.74 M.

Umabot naman sa P 10.62 M ang nalugi sa mga gulay at iba pang pananim samantalang P 2.28 M naman sa mga palaisdaan.

Pinakamatindi umanong tinamaan ang 24,780 ektarya ng pataniman ng palay sa may 18 probinsya ngunit patubo pa lamang ang mga ito kaya medaling mapapalitan.

Umabot sa 3,355 tonelada ng palay mula sa 3,902 ektarya naman na malapit nang anihin ang nawala, ngunit 1,904 ektarya lamang ang nawasak ng tuluyan.
Ani Alcala, Cagayan ang dumanas ng pinakamatinding pagkalugi kung saan umabot ito sa P36 M.

Kasunod umano ang Pampanga na nalugi ng P32 M; Bulacan, P26 M; at Bataan na nalugi naman ng P14 M.

Samantala, umabot naman sa 1,035 ektarya ng pataniman ng mais sa anim na probinsya ang nasalanta ng baha ngunit madali pa itong mababawi.

Aniya, 666 metriko tonelada lamang ng mais ang nasalanta, kung saan karamihan nito ay sa Cagayan at Kalinga.

Sa mga gulay naman at iba pang pananim, Benguet, La Union at Pangasinan umano ang pinakamatinding tinamaan ngunit kayang kaya umano itong bawiin.

Maging ang mga palaisdaan umanong nalugi rin P 2.28 M ay nasisiguro nilang agad na makababawi kaya nakasisiguro ang mga Filipino na hindi apektado ang suplay ng pagkain sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply