Suplay ng pagkain, rubber boats kailangan sa UERM

PROBLEMA ngayon ng pamunuan ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERM) ang suplay ng pagkain para sa kanilang mga pasyente at ilan pang kawani nan a-istranded sa ospital.

Ayon kay UERM Director Andres Borromeo ang kanilang suplay ng pagkain sa ospital ay hanggang kagabi na lamang at ngayon ay wala na silang maipapakain pa sa kanilang mga pasyente.

Nabatid na ang UERM ay may 150 pasyente bukod pa sa halos 700 hospital staff o personnel na naistranded sa loob matapos na tumaas ang tubig baha sa paligid ng ospital na umabot na rin sa ikalawang palapag.

Sa ngayon, hindi pa rin humuhupa ang tubig baha sa opsital kaya naman humihingi na rin si Borromeo ng rubber boats upang makalabas ang ilang naistranded .

Kaugnay nito, nangako naman si Vice Admiral Edmund Tan ng Philippine Coast Guard (PCG) na tutugunan ang pangangailangan ng UERM.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply