Suporta sa pag-angat ng kapabilidad ng Navy

MALINAW na binanggit ng ating Pangulo sa kanyang SONA noong Hulyo 23, 2012 na “dadaong na ang karelyebo ng BRP Gregorio del Pilar sa ating pampang” dahil malapit nang dumating ang BRP Ramon Alcaraz (PF16), ang kapatid ng BRP Gregorio del Pilar (PF15). Dagdag pa ng Pangulo na ang mga barkong “hi-tech at de-kalidad” ang “tatanod sa 36,000 kilo-meters nating coastline.”

Kitang-kita sa SONA na puspusan ang pagpupursige ng ating pamahalaan upang makamit ang pangarap ng Navy para sa ating bayan na maging malakas at kredable. Inaasahang sa pagdating ng barkong ito at iba pang mga kagamitan ng Navy ay tuloy-tuloy na ang pagtamo natin para sa ating mga pangarap na pangkaragatan.

Malamang ang mga ito lalo pa’t pagdating ng 2013 ay may darating pang dalawang naval helicopters, isa pang frigate at mga force protection equipment para sa Navy.

Subalit bago pa man ito ay itinakda nang i-deliver ang dalawang multipurpose attack craft (MPAC) na disenyo at gawang Pinoy at tinanggap na ng Navy ang mga ito noong Agosto 6 lamang.

Ang MPAC ay ginawa para sa Navy sa ilalim ng AFP Capability Upgrade Program at kaya ng mga sasakyang ito na magdala ng may 16 na kargadong tropa ng Marines.

Dinisenyo ang mga ito para sa agarang paghabol at pagharang kahit sa mabibilis na target sa karagatan at kayang magdala ang mga ito ng mga armadong Marino kahit saang sulok ng ating mahigit 7,100 na isla, gabi man o araw.

—ooo—

Mga kapatid ko, asahan pa natin ang pagdating ng mga susunod na dagdag kagamitan ng ating Navy.

Kasabay nito, sana naman ay ituloy pa natin ang ating suporta at pagtulong sa ating Navy.

Hindi para sa atin lamang ang mga ito kundi para sa ating mga susunod na henerasyon pa. Kaya natin yan Pinoy!

—ooo—

Nga pala, isang malugod na pagbati para sa magigiting nating mga Marino na sina Brigadier General Januario G. Caringal, ang Commander ng Combat Service Support Brigade, sa kanyang promotion noong Hulyo 15, 2012; kay Colonel Andre M. Cos-tales Jr, sa kanyang pagkakatalaga bilang Commander ng 3rd Marine Brigade noong Hunyo 11, 2012; at kay Colonel Jose Johriel M. Cenabre sa kanyang pagkatalaga bilang Commander ng Bonifacio Naval Station noong Hulyo 12, 2012.

Congrats mga Sirs!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply