Suspected robbers vs police: 1 patay, 2 sugatan

ISA sa limang suspected robbers ang nasawi habang isa ang nasugatan makaraang makaengkuwentro ng mga ito ang mga pulis sa Navotas City.

Ayon sa report sa radio, naganap ang barilan sa Brgy. San Roque sa Navotas City kung saan nasawi ang isang nakilala lamang sa pangalang  Montuerto, 40, habang sugatan naman si Ronald Sabaculan.

Nasugatan din si PO1 Rolando Cruz sa nasabing engkuwentro.

Naaresto ng mga pulis ang tatlo pang suspek na inisyal na kinilalang sina  Ronaldo Donato, Armand Ala, at isang Vladimir.

Nabatid na nakatanggap ng tip ang pulisya sa isang concerned citizen sa mga kahina-hinalang kilos ng mga suspek sa naturang lugar.

Habang paparating ang mga pulis ay pinaputukan ang mga ito ng mga suspek na naging dahilan upang magkapalitan ng putok ang dalawang panig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply