Suspek sa hazing victim, tinaningang sumuko

BINIGYAN na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga suspect sa pagkakapaslang sa San Beda College student hazing victim na si Marc Andre Marcos ng hanggang sa susunod na linggo para ito sumuko.

Nagpalabas ng taning ang PNP matapos nabigong lumitaw ang suspect na si Gian Angelo Veluz nitong nakaraang Biyernes na ipinangako mismo ng kanyang ama.

Ayon kay Calabarzon police director C/Supt. James Melad, ngayong linggo ay kailangang sumuko na sa pulisya si Veluz kung ayaw maharap sa alanganin.

Nananatili pa rin na at large ang mga kasambahay na sina Soledad Sanda, Marlen Guadayo at isang Marcelo Cornelio na siyang kasabwat umano ni Veluz sa pagkubli sa tunay na nangyari sa krimen.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply