Suspek sa pagpatay nakonsensiya, sumuko

SUMUKO sa pulisya ang isang suspek sa pagpatay sa isang financial consultant sa Caloocan City kamakailan matapos na makonsensiya.

Kinilala ang sumuko na si Joselito Calma, 40 ng Baliuag, Bulacan na nagtuturo sa ka-live-in ng biktima na si Maricel Retita, 27, ng GSIS Subd., Talipapa, Caloocan City, na siyang master mind sa krimen.

Sa ngayon, pinaghahanap na ng pulisya si Retita at isa pang kasabwat na si nakilalang si Ricardo Magat ng Baliuag, Bulacan.

Sa rekord ng pulis, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Mayo 13, 2012 nang pasukin nina Calma ang bahay ng biktimang si Jose Martinez Jr., 42, sa kanilang bahay sa GSIS Subd., ng lungsod kung saan matapos patayin ay tinangay ang P100,000 cash at mga land titles ng biktima.

Sinabi ni Calma na iniwang bukas ni Retita ang gate ng kanilang bahay upang makapasok sila ni Magat.

Inamin ni Calma na nakilala niya sa chat si Retita hanggang sa magkaroon ng relasyon.

Nakonsensiya umano si Calma kung kaya sumuko kahapon dala ang 10 land titles ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply