Suspensyon iaapela ng Aviatour Air

BALAK ngayon ng Aviatour Air na magsumite ng apela kaugnay sa ipinataw na suspensyon sa kanila ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang Aviatour Air ang operator ng sinakyang Piper Seneca plane ni DILG Secretary Jesse Robredo na bumagsak sa karagatan ng Masbate noong Sabado, Agosto 18.

Hihilingin ng Aviatour sa CAAP na magkaroon ng exemption sa ilan nilang eroplano dahil apektado na ang mga graduating student nila.

Kung hindi papayagan ang kanilang hiling, sinabi ng Aviatour, na tiyak na maaapektuhan ang flying hours na kinakailangang tapusin ng mga pa-gradweyt na estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply