Susunod na DILG chief, dapat di maapektuhan ng politika – solon

HINIKAYAT ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang Pangulo na mag-ingat sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng DILG, matapos itong mabakante ng trahedyang kumitil sa buhay ng ni DILG Secretary Jesse Robredo.

“Ang pagtatalaga ng bagong pinuno ng DILG ay napakasensitibo dahil ang papel ng DILG ay napakakritikal lalo na’t papasok ang election year sa susunod na taon. May mga ulat na kumakalat na ilang grupo na ang ang nagsusulong ng kani kanilang pambato para sa pwesto pero sana ay pagnilayang maigi ng Pangulo bago siya mamili. Dapat ay walang bahid ng politika ang sinumang mapipili.”

Ani Magsaysay, ang pagpapanatili ng peace and order ay isa sa pinakamalaking responsibilidad ng DILG at ito ay katuwang ng Comleec sa pagsisguro na mapapababa ang kaso ng election related violence at pagpapanatili ng  malinis na halalan sa Mayo 2013.

“Ang kredibilidad ng eleksiyon ay nakasalalay sa DILG. Napakahirap mamili ng kapalit ni Sec. Robredo dahil isa siya sa miyembro ng Gabinete na hindi nagpapaapekto sa politika pagdating sa pagdedesisyon. Nakakalungkot ang kanyang pagpanaw pero sana ang maging kapalit niya at tularan ang kanyang ehemplo sa pagiging neutral at masigasig sa pagtatrabaho.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply