Taas dagdag-singil sa pasahe pinag-aaralan na ng LTFRB

PINAG-AARALAN na ng Land Tranaportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyong inihain ng transport groups kaugnay sa hinihinging dagdag singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney .

Ito ay matapos magsumite ng joint petitions ang grupong Pasang Masda Jeepney Transport at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) sa LTFRB ukol sa dagdag singil sa pasahe sa jeepney  bunsod ng panibagong pagtaas ng krudo.

Ayon kina Pasang Masda President Ka Obet Martin at ACTO President Efren de Luna, hinihiling nila ang karagdagang P2 o gawing P10 ang minimum na pasahe sa jeepney at dagdag na .35 sentimos para sa karagdagang kilometro  mula sa  dating P8.

Ang nasabing petisyon ay para lamang sa NCR, Regions 3 at 4.

Kaugnay nito, habang dinidinig ang jeepney  fare petitions dapat anilang magpatupad  ang LTFRB ng .50 sentimos na provisional increase.

Banta pa  ng grupo na sakaling hindi maipagkakaloob ng LTFRB ang hinihinging provisional increase ay mapipilitan ang grupo na magsagawa ng kilos protesta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply