Taas pasahe sa LRT, MRT, naka-amba sa 2013

DAHIL hindi na makayanan ng gobyerno na pasanin ang subsidiya sa mga pasahe, ikinasa na ngayon ang fare hike sa MRT at LRT.

Ayon kay DOTC Sec. Mar Roxas, nagagalaw na ang savings ng Office of the President dahil sa subsidy sa MRT at LRT na umaabot na sa P75 billion ang sinagot ng gobyerno sa nakalipas na 10 taon.

Isa pa umano ay nakahihiya na sa mga taga-probinsya na hindi gumagamit sa nasabing transport system.

Kaya naman asahan na ng publiko na magpapatupad na ang LRTA ng fare increase sa susunod na taon bagama’t wala pang eksaktong halaga para dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply