Tag-baha, tag-epal at gulo ng mga tuta sa BoC

GUMAGASTOS sa PR ang mga tuta ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon para pagwapuhin ito bilang preparasyon sa kanyang senatorial bid sa susunod na taon.

Kasabay nito, ginagastusan din nila ang “demolition” laban sa mga nagtatrabaho ng matino, para mapalayas ang mga ito sa BOC.

Makaaalagwa nga na-man ang mga tuta ni Biazon para makapag-ipon ng sapat na pondo para sa ‘Biazon for senator’ sa 2013 elections.

Punahin ninyo, parekoy, ang mga “bayarang isyu” na ipinalalabas nila sa iba’t ibang diaryo.

Unang araw, gwapo si Biazon dahil nanghuhuli umano ng mga smuggler sa BOC. Pero hindi iwinawagayway ng mga hinayupak ang kanilang milyones na palusot!

Kinabukasan may wawasakin silang empleyado o opisyal na alam nilang sagabal sa kanilang operasyon.

Pero hindi nila iwinawagayway kung saan kinukuha ang napakalaking pondo ng kanilang “PR operation” na ang gumagapang ay si “Stan.”

Tangna itong mga tuta ni Biazon. Sila, parekoy, ang dapat na sinisipa r’yan sa BOC dahil sila na nga itong mga tunay na “smuggler” ay sila pa ang magugulo at naglilinis-linisan.

-o0o-

MATINDI ang baha na tumama sa Metro Manila nitong nakaraang linggo. Grabeeeee!

Habagat pa lang ang dahilan niyan, parekoy, pero talagang matindi na ang tubig-ulan na bumuhos sa Kamaynilaan.

Ano na lang kaya kung sinabayan pa ng bagyo?

Paulit-ulit na lang  ang problemang ito kung tag-ulan pero wala tayong makikita na solidong solusyon ang gobyerno!

Ang dahilan parekoy, malaking tulong ang mga kalamidad para sa “photo-ops” ng mga kaalyado ng Palasyo lalo na ang mga kakandidato!

Napuna ninyo noong pumarada si PNoy, kasama sina Mar Roxas, Ruffy Biazon, Joel Villanueva, Riza Hontiveros at iba pang senatoriable? Tandaan ninyo, parekoy, kung “tag-baha” ay tiyak na  “tag-epal.” Pwe!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply