Tamaraws umahon agad

NAKABALIK sa tuktok ng team standings ang Far Eastern University Tamaraws matapos nilang suwagin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 73-70 sa 75th UAAP senior men’s basketball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena.

Naagaw ng defending champion Ateneo Blue Eagles ang top spot ng masilat ang Tamaraws sa host National U Bulldogs, 57-61.

Muling sinalba ni former player of the week Terrence Romeo ang FEU matapos manuwag ng career-high 24 puntos, siyam na rebounds at walong assists upang samahan ang Blue Eagles sa tuktok hawak ang 5-1 win-loss slate.

Sa dying seconds sinalpak ni Romeo ang dalawang foul throw upang iselyo ang laban at manatiling bokya ang Fighting Maroons sa limang laro.

Unti-unti naman gumaganda ang karta ng Flying V Preseason ruler Bulldogs matapos sakmalin ang Adamson U Soaring Falcons, 77-62.

Lumapa si Cameroonian center Emmanuel Mbe ng double-double na 20 points at 15 boards habang bumakas si reigning MVP Bobby Ray Parks Jr. ng 12 pts. Para sa Bulldogs.

Nasa pangatlong puwesto ang NU kagat ang 4-2 panalo-talo karta kalahating larong lamang sa pang-apat na puwestong University of Sto. Tomas Growling Tigers, (3-1).

Maaaring masolo ng Tigers ang third spot kung malulusutan nila ang nagwawalang University of the East Red Warriors sa Huwebes kung saan ay sa Araneta Coliseum ang labanan.

Unang maghaharap ang De La Salle U Green Archers at Falcons sa alas dos ng hapon.

May 2-3 baraha ang Green Archers habang 1-3 ang tangan ng Adamson.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply