Tambak ng basura sa Manila bay, patuloy na hinahakot

PATULOY pa rin ang paglilinis at paghahakot sa tambak ng basura  na inanod ng malalaking alon sa Manila Bay sa Roxas Blvd.

Bagamat nagtulong-tulong na ang mga tauhan ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) ,MMDA,PCG,LGUs  at iba pang ahensya ng gobyerno  ay hindi pa rin tuluyang nahahakot  ang mga basura sa seawall ng Baywalk dahil na rin sa patuloy na pag-uulan  .

Kaugnay nito, pinawi naman ni DPWH Secretary Rogelio Singson ang pangamba ng publiko sa sinasabing nasira muli ang bagong gawang seawall ng Manila bay.

Ayon kay Singson, bagamat umapaw ang tubig ng Manila Bay sa kahabaan ng Roxas Blvd., kamakalawa  ay hindi naman nagdulot ng pagkasira ng seawall ang malalaking pag-alon ng baybayin dahil sa tinatawag na moonson surge.

May mga nakitang ilang crack lamang, aniya, ngunit hindi naman ito maituturing na major damage

Gayunman, tiniyak ng kalihim na oobligahin nila ang contractor sa proyekto sakaling bumigay ang seawall .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply