Tanggapan ni DILG Sec. Robredo ikinandado na

NORMAL procedure sa pamahalaan ang ipasara o ipakandado ang tanggapan ng isang opisyal na namatay na subalit may may sensitibong kasong hinawakan.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, kailangang manatiling confidential ang mga dokumentong may kinalaman sa nasabing sensitibong kaso.

“Just a matter of… As a general rule, every office of every Cabinet secretary does have, does house confidential documents. That is par for the course. And it is in accordance with normal procedure that when something like when an untoward incident happens, it is part of procedure for us as a matter of prudence to secure the office of the official,” anito.

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Usec. Valte kung may sinabi nga si Atty. Leni Robredo kay Pangulong Benigno Aquino III ukol sa confidential documents na nasa opisina ng namayapang Kalihim

“I do not have information to that effect, Roices. I do not know whether Attorney Leni conveyed anything to the President to that effect. What I do know is that Secretary Leila [de Lima] was asked to, I think, go to the condominium unit to get the personal effects of Secretary Jess,” ayon kay Usec. Valte.

Tinuran nito na PSG ang nag-secure ng mga nasabing confidential documents na nasa tanggapan ni Robredo.

“That is… The other security forces are also augmenting, from what I understand. It is normal protocol for us to secure the office,” ani Usec. Valte.

Samantala, para sa Malakanyang, isang malinaw na espekulasyon lamang ang ulat na may foul play sa pagkamatay ng nabanggit na Kalihim.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply