Tapat na pag-ibig kontra HIV-AIDS

BINIGYANG-DIIN ng HIV & AIDS program coordinator ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Josephine Ignacio na ang “tapat na pag-ibig” ang siyang daan upang maging ligtas ang mga kabataan laban sa HIV.

“If love is true, it can wait, right?” ayon pa kay Ignacio, sa sideline nang idinaos na HIV-AIDS workshop sa San Carlos Seminary sa Makati nitong Biyernes.

Ipinaliwanag ni Ignacio na isa sa mabisang paraan upang makaiwas sa sakit ay ang pagpapahalaga sa pag-ibig, pagsasakripisyo at pagiging tapat sa minamahal.

Sinabi ni Ignacio na hindi maipapakita ang true love sa physical expression sa pamamagitan ng sex o pakikipagtalik.

“If [sex] is treated as a precious gift, then you don’t carry it around like a cheap merchandise…Only authentic sexual values can protect us from HIV,” pahayag pa ni Ignacio.

Iginiit rin nito na may mahalagang papel ang mga magulang sa pagprotekta sa kanilang mga anak mula sa HIV-AIDS.

Mahalaga rin aniya na paglaanan ng mga magulang ng quality time ang kanilang mga anak para magabayan ang mga ito hinggil sa pakikipagtalik ng wala sa takdang panahon.

Nabatid na may 500 lay leaders at mga seminarian ang dumalo sa HIV-AIDS workshop kahapon, Agosto 24 kung saan nagsilbing main speakers sina Msgr. Robert Vitillo, Head ng Caritas Internationalis Delegation to the UN sa Geneva, Switzerland at Fr. Dan Cancino, coordinator ng Episcopal Commission on Health Care programs ng CBCP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply