Task Force Sagip Kalihim, pinaigting

PINAIGTING pa ng Task Force Sagip Kalihim na pinangungunahan ng Philippine Coast Guard ang search and Rescue operations upang masagip si DILG Sec. Jesse Robredo at dalawang piloto na sakay ng twin-engine Piper Seneca plane na bumagsak sa karagatan ng Masbate kahapon.

Ayon kay Philippine Coast Guard Bicol District Commodore Joel Garcia, puspusan ang ginagawang paghahanap sa kalihim kung saan nagsanib pwersa ang Phil. Coast Guard, Phil. Navy, PNP Maritime Police, sa paggalugad sa lugar na binagsakan ng eroplano.

Umaabot na sa 15 Special operations groups at mga diver ang nasa lugar, 15 motorized na bangka ng mga lokal na mangingisda at mga pribadong indibiduwal, at ang US Navy na nag-alok ng tulong na nanggaling pa sa Cavite.

Kasama sa search operation ay ang nakaligtas na aide-de-camp ni Robredo na si Sr.Insp. Jun Abrazado na nagturo sa mga awtoridad ng lokasyon na pinagbagsakan ng kanilng sinasakyang eroplano, sa kabila ng mga tinamo nitong mga pinsala sa katawan.

Si Abrazado ay nasagip ng mga mangingisda kahapon na  nakasaksi sa pagewang-gewang na lipad ng eroplano at ang aktuwal na pagbagsak nito sa tubig kaya’t minabuti nilang lapitan ang crash site sa pagbabakasakaling may mailigtas .

Ayon kay Abrazado, galing si Robredo sa Cebu bilang kinatawan ni Pangulong Noynoy Aquino sa pasinaya ng PNP Regional Training Center duon at patungo sila ng Naga City para dumalo ang kalihim sa isang awarding ceremony ng kanyang anak .

Subalit 30 minuto pa lamang ang nakakalipas, nagkaroon ng aberya ang eroplano kayat nag-emergency landing ang eroplano sa Masbate.

Gayunman 300 metro pa ang layo sa Masbate Airport ay kinapos na ito at bumagsak sa dagat, na tinatayang 130 talampakan ang lalim .

Kinumpirma din ni Abrazado na si Robredo ay nasa kanyang upuan pa bago bumagsak ang eroplano.

Narekober  naman ng Phil. Coast Guard ang ilang  mga bahagi ng eroplano subalit ang bahagi mismo na kinalululanan ng kalihim ay di pa nakikita sa mga oras na ito.


Leave a Reply

*
nyahahahhahaha need na need kasi ng mga Lopes ang ...
ginagago na naman ang mga tao ng mga gong gong na ...
Korek!! lol!...
B.I. pa ba ito? Pinangalanan na yan at ang produce...
HAHAHAHAHAHA. ITSU PA LANG, MUKHANG LUKARET NA! KA...
Tama naman si Ridon. Nagmamaang maangan pa ang Mal...
She's Dating Gandanghari Jr.....hehehhe...
bakit lahat ng nakakasuhan ng gobyerno, naoospital...
Ba't kelangan ko pa bang ilabas ang pruweba eh gal...
Mukhang nakatakas lang sa mental hospital si marle...

BREAKING NEWS


© 2014 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.