Tax evasion laban sa mga Corona tama lang – BIR

TINULIGSA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang akusasyon na naging overkill ang paghain ng kasong tax evasion laban kay dating Chief Justice Renato Corona, anak at manugang nito.

Ito ay makaraang mapatalsik sa puwesto ang dating punong mahistrado sa pamamagitan ng impeachment proceedings, sinampahan na ng kaso ng BIR si Corona.

Sa pagdalo ni BIR Commissioner Kim Henares sa pagdinig ng Senado sa Sin Tax Bill, sinabi nito na tungkulin nila na ipatupad ang batas partikular ang pangongolekta ng buwis at habulin ang may paglabag dito.

Binigyang diin ni Henares na hindi pumapasok dito ang usapin ng “compassion o overkill” dahil kailangan lamang nilang ipaiiral ang rule of law.

Hindi naman masabi ng opisyal  kung may karagdagang kaso pa na maisasampa ang BIR laban kay Corona at sa pamilya nito sa halip sinabi ni Henares na antabayanan na lamang  kung mayroon silang ihahain sa Department of Justice (DoJ).

Samantala, maaari umanong humingi ng tulong ang BIR sa Senate Impeachment Court sa oras na kailangan nila ng karagdagang ebidensya para idiin si Corona at mga kaanak nito sa inihaing tax evasion case.

Pero ayon sa opisyal sa ngayon ay sapat na ang kanilang pinanghahawakang ebidensya o dokumento para sampahan ng asunto ang mga akusado.

Kabilang sa mga ginamit nilang batayan para sampahan ng kaso ang kampo ni Corona ay ang bank certifications at ang kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na isinumite sa impeachment court.

Vicky cervales
Aug. 30
Senate…..

BINIGYANG diin kahapon ni senador koko Pimentel na siya pa rin ang pangulo ng PDP-Laban.
Pahayag ito ni Pimentel kasabay na rin nang pagtanggi nito sa tinuran ni United National Alliance (UNA) spokesperson Atty. JV Bautista na naghain ng leave of absence bilang pinuno ng PDP-Laban.
Ani Pimentel, walang katotohanan at walang legal na basehan si Bautista para ipahayag niya ito.
“I have not filed any leave of absence, whether verbal or written, and have no plan whatsoever to do so. No one has asked me to go on leave, except Atty. JV Bautista, who is a newcomer to the party. Even our Party Chairman Vice President Binay has not directly asked me to go on leave. I also do not feel any clamor from my party mates that I go on leave,” diin ng senador.

Nais na paniwalaan ni Pimentel na ang tinuran ni Bautista ay sarili nitong suhestiyon na nakapaloob naman sa constitution and by-laws ng partido na walang sinuman ang maaaring pwersahin ang isang opisyal ng partido na mag-leave.

Dahil dito, nananawagan ang senador sa kanyang mga ka-partido na magkaisa at makgtulung-tulong upang maresolbahan ang problemang kinakaharap na hindi na kinakilangang pang magwatak-watak.

“I have already inhibited myself months ago from (UNA) coalition matters. I will continue to do so, especially when we get to the campaign period. I have in fact requested our Party Executive Vice President Joey de Venecia to handle all “coalition issues”. I can and will continue to handle all “party but non-coalition matters,” giit ni Pimentel. ( Vicky cervales )

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply