Taxi driver hinoldap na, pinatay pa sa Maynila

PINATAY ang isang taxi driver matapos holdapin ng hinihinalang naging pasahero nitong holdaper sa Malate, Maynila, kaninang madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo si Dionilo Urenso, tinatayang nasa edad 42 hanggang 45, base na rin sa basyong nakita sa loob ng kanyang taxi.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, posibleng hinoldap bago pinatay ang biktima dahil wala nang nakitang pera sa loob ng taxi.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply