Taxi driver ninakawan na inutas pa sa Malate

PATAY ang isang taxi driver matapos pagnakawan saka binaril sa kahabaan ng A. Linao Cor. Esquerra St.  Malate Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Dionilo Orenso, nasa pagitan ng 40-45-anyos, isang taxi driver, ng Vilma O. Bell taxi.

Nabatid  na ala-1:30 ng madaling-araw nang madiskubreng patay na ang biktima.

Ayon kay SPO2 Glenzor Antonio Valleo, Homicide Section-Manila Police District, may tama ng bala ng baril sa noo ang biktima na tumagos sa likurang  bahagi ng kanyang ulo, nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Sa imbestigasyon, ginising ng sunod-sunod na tawag mula sa kapitbahay si Brgy. Chairman Ernesto Rosales upang ipagbigay alam ang nasabing insidente.

Nakahandusay ang biktima malapit sa taxi nito nang maabutan ni Chairman Rosales na agad namang ipinagbigay-alam sa MPD- Malate Police Station 9.

Lumalabas na nalimas ng hindi pa nakilalang suspek ang lahat ng kinita ng biktima maging ang kanyang mga personal na gamit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply