Taxi driver utas sa kapwa driver

PATAY ang isang taxi driver ng barilin ng kanyang kapwa taxi driver sa Brgy. San Rafael, Mandurriao, Iloilo City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jeffry Nobleza, 37, ng Cabatuan, Iloilo habang nakatakas naman ang suspek na si Reno De Pablo, 28, ng Passi City.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na dating magkasama sa iisang taxi company ang suspek at ang biktima.

Bago nangyari ang insidente, magkasama pang nagsugal ang dalawa.

Nabatid na ang biktima na armado ng kutsilyo ang unang naghamon sa suspek hanggang sa tuluyan itong binaril.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply