Team US nagpakitang gilas

IPINOSTE ng powerhouse US basketball team ang ikalawang sunod na panalo matapos lampasuhin ang Tunisia team, 110-63 kaninang umaga sa nagaganap na 30th London Olympic Games.

Namuwersa ng tig 16 puntos sina Kevin Love at Carmelo Anthony upang manguna sa Group A tangan ang 2-0 win-loss slate.

Umalalay ang mga bigating NBA basketball players ng Amerika sa first half kung saan ay abante lang sila ng 13 pts., 46-33 subalit paglarga ng third canto ay nagsimula na silang magpakita ng kanilang tikas  upang iwanan ang Tunisian cagers, 85-47.

Sa fourth period nagpasiklab din ang tatlong Oklahoma Thunder players na sina Kevin Durant, Russell Westbrook at James Harden at si top pick NBA rookie Anthony Davis.

Nag-ambag si Durant ng 13 points habang sina Westbrook at Davis ay bumakas ng 12 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kahit tambakan ang labanan ay walang humpay ang hiyawan ng mga manonood dahil sa mga ipinakikitang salpakan ng mga NBA stars.

May isang play na kung saan ay sumalaksak si Durant at walang tinging ipinasa nito kay NBA MVP Lebron James para sa isang monster dunk.

Sa ibang kaganapan ay nasilat ng France ang Argentina, 71-64 habang niratrat ng Russia ang China, 73-54 sa Group B.

Magkasalo sa second to fifth places ang France, Argentina, Lithuania at Nigeria na may 1-1 kartada habang bokya sa dalawang laro ang Tunisia.

Tatlo naman ang nag-aagawan sa top spot ng Group B ito’y ang Russia, Spain at Brazil na may tig 2-0 card habang ang Australia, Great Britain at China ay wala pa ring mga panalo sa dalawang salang.

Makakaharap ng USA ang Nigeria bukas ng gabi, (Aug. 2) habang magdudungisan ang Russia at Brazil.

Ang ibang match ay France vs Lithuania, Australia laban sa China, Argetinia kontra Tunisia at Spain na haharapin ang Great Britain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply