Telcos naglagay ng libreng serbisyo sa mga apektdo ng baha

NAGBIGAY ng libreng serbisyo ang Smart Telecommunications sa mga lugar na grabeng naapektuhan ng pagbaha sanhi ng sama ng panahon.

Ayon kay Mr. Ramon Isberto, ng Smart at PLDT public Affairs, may libreng serbisyo sa Marikina, Malabon at iba pang lugar para makatawag ang mga residente sa kanilang ibang mga kaanak at sa awtoridad.

Pinaalalahanan rin ni Isberto ang mga cell phone users na magcharge kaagad ng baterya habang may kuryente pa para may magamit sa panahon ng emergency.

Aniya, dapat maging maagap at maingat sa paggamit ng cell phones. Gamitin lamang kung kinakailangan para hindi magipit sa oras ng pangangailangan.

Mas mabuti, aniyang, gumamit ng text na lamang kaysa sa tumawag para matipid ang charge ng baterya.

Samantala, nag-anunsyo rin ang Globe na magbibigay ng libreng serbisyo sa mga lugar tulad sa Marikina na apektado ng tubig baha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply