Teng umaalingawngaw sa UAAP basketball event

PATULOY na ipinakikita ni Jeron Teng ng La Salle Green Archer na siya ang best rookie sa nagaganap na 75th season ng UAAP men’s basketball tournament.

Si Teng na anak ng dating PBA cager na si Alvin Teng ang isa sa mga consistent player ng Green Archers kung saan ay nagpasabog ito ng 35 puntos sa huling laro nila sa first round ng eliminations.

Dinala ni Teng ang La Salle nang gilitan nila ang host National University Bulldogs, 87-86 noong Sabado matapos ang double overtime.

“I had to step up. It was really a blessing that everything was going my way,” ani Teng, na tumikada rin ng 104 points sa high school nang maglaro siya sa Xavier nakaraang taon.

Dahil sa kanyang impresibong laro, nahirang ang 18 anyos na si Teng bilang UAAP Press Corps Player of the Week award.

Ang citation ay ibinigay ng grupo ng sports scribes na nagko-cover ng collegiate beat at ACCEL 3XVI.

Tanging ang 6-foot-2 na si Teng ang rookie na nasa top 10 ng statistical race sa first round.

Nasa fifth overall si Teng na may 58.28 statistical points sa likuran nina Karim Abdul, (81.71) ng University of Santo Tomas, Bobby Ray Parks (76.71) ng NU, Greg Slaughter (68.14) ng Ateneo at Terrence Romeo (66.14) Far Eastern University.

Ang ibang nasa top 10 ay sina Emmanuel Mbe (57.42) ng NU, ang kuya ni Teng na si Jeric (56.0) ng UST, Nico Salva (55.0) ng Ateneo, Aljon Mariano (53.85) ng UST at Kiefer Ravena (53.14) ng Ateneo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply