The nanny’s sacrifice

MAGAGANDANG mga anak, mabait na asawa, materyal na mga bagay at malaki’t magarang bahay. ‘Yan ang tinatamasa ngayon ni Anna, isang nanny sa Canada.

Sa minsan kong pagbisita sa Canada ay nakilala ko si Anna, isang Pinay na minsang nakaranas ng mga pagsubok, subalit ngayon ay nagtatamasa ng magandang buhay roon, ikinuwento niya sa akin kung paanong mula sa pagiging isang nanny o tagapag-alaga ng mga bata ay nakasumpong siya ng ginhawa.

Tubong Nueva Vizcaya si Anna, kasama ang kanyang pamilya, ay naninirahan sila sa isang farm doon. Bagama’t nasa probinsya ay masasabing hindi naman mahirap ang kanilang pamumuhay, subali’t pinili niyang makipagsapalaran at magtungo sa Maynila upang higit na makatulong sa kanyang pamilya.

Nakituloy siya sa isang pinsan niya roon, hanggang sa sumapit siya sa gulang na beinte-dos. Doon ay nagtrabaho siya bilang isang saleslady sa isang video shop sa Parañaque.

Taong 1985, nang makarating si Anna sa Singapore sapagkat nauso noong mga panahong iyon ang pag-a-abroad at pagpunta sa nasabing bansa bilang domestic helper. Sa bansang iyon din niya nakilala ang recruiter na naging dahilan upang di kalaunan ay makarating siya sa Canada.

Pinalad siyang magkaroon ng mababait na employer na agad niyang nakasundo, subalit nang mabalitaan ng mga ito ang plano niyang magtungo sa Canada, upang doon ay mamasukan, naging mahigpit ang mga ito sa kanya.

“Nu’ng nalaman ng amo ko na pupunta ako sa Canada, they gave me a hard time ayaw nilang ibigay ang passport ko, even the telephone in the house they took it,” kwento niya.

Isa pang pagsubok na pinagdaanan niya sa Singapore ang ibang kultura nito kumpara sa bansa natin.

“You have no freedom in Singapore, if you are hired as a maid, you’ll just be a maid, no matter what,” aniya pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply