The “New” Normal in Weather Conditions

NAKAPANLULUMO ang mabahaan ng bahay ng tatlong beses sa tatlong araw. Yan ang personal experience ko sa amin.

Para sa ibang mas mababang lugar, apat na beses pa yan.

Nakapanghihina yung pagkatapos mong maglinis ng banlik at putik buong araw ay makikita mong unti-unting bumabalik ang baha.

Pagod na pagod ka na physically, stressed na stressed ka pa mentally sa thought na back to zero ka na naman at maglilinis ka ulit.

Humihingi ako ng paumanhin sa ibang newsdesk editors o assistants at pati reporters na tumatawag sa akin pero umabot sa punto na di ko na masagot kasi lowbatt na ako.

Brownout kasi ng ilang araw so di mai-charge ang cellphones. Kaya tinetext ko na lang sa inyo ang aming contact nos. sa Public Information Office.

Pati na rin sa mga nagte-text at humihingi ng updates sa water level ng Marikina River o ng bilang ng evacuees … pasensiya na po. Dahil na-stranded ako sa bahay at ang tanging access ko lang sa impormasyon ay sa mga naririnig ko sa walkie talkie ng city hall. Kaya, may araw na pino-forward ko na kayo sa PIO base kung saan may status updates sa white board namin dun.

Mabuti naman at kahit kasagsagan ng pagbabaha na walang kuryente sa city hall at nakakandila lang ang mga staff ko sa PIO ay nagagampanan pa rin namin ang pagbibigay ng updates tungkol sa situwasyon sa aming bayan.

Pati mga personal cellphones ay nagagamit na namin para lang makapaglabas ng abiso sa Facebook at Twitter hanggang sa pati ito ay ma-drain na.

Sana maintindihan ninyo na iniipon ko ang kaunting natitirang charge ng cellphone ko para sa mga text blasts ng mga public service announcements o abiso ni Mayor Del R. De Guzman, Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, at ng aming bagong Acting City Administrator na si Jun Aguilar tungkol sa kanselasyon ng mga klase, atbp.

Tunay nga na napaka-powerful ng bagong technology sa governance kasi kahit nasa abroad si Mayor Del para paunlakan ang mga imbitasyon ng iba’t ibang asosasyon ng mga Marikenyo abroad ay nakuha pa rin niyang patakbuhin ng maayos ang disaster operations.

Ang masama namang balita, ayon sa weather experts, ang kakaibang bagsik ng habagat at pagbabaha ay atin nang “new normal” sa ngayon.

May parating na bagong bagyo pa naman … abangan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply