Tibo pinulutan ng dalawang kainuman

NILASING muna bago hinalay ang isang tomboy ng dalawang kainuman sa Caloocan City kagabi, Agosto 12.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Ralf Anthony Niere, 26 at Rocsan Marco, 29 kapwa ng Sampaloc St., Camarin ng lungsod.

Sa ulat, kahapon ay nakipag-inuman ang biktimang edad 20 sa mga suspek sa bahay ng isa pang kaibigan na nakilala sa alyas na Cindy sa Mabolo St., Camarin ng lungsod.

Dakong alas-7:00 ng gabi, nalasing ang biktima na sinamantala ng mga suspek at halinhinang hinalay ang biktima.

Paggising ng biktima ay nalaman niya ang ginawa sa kanya ng mga suspek. Dahil dito, agad siyang nagsumbong sa mga magulang at ipinadakip ang mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply