Tigers nakalusot sa Bulldogs

BUMIRA ng magkahiwalay na panalo ang last year’s runner-up Far Eastern University Tamaraws at University of Sto. Tomas Growling Tigers upang manatiling magkasalo sa team standings ng nagaganap na 75th season ng UAAP seniors basketball tournament sa Araneta Coliseum, kahapon.

Sinuwag ng Tams ang Adamson U Falcons, 76-68 habang winasiwas ng Tigers ang host National U Bulldogs, 58-57 sa overtime.

Lubog sa 17 puntos matapos ang halftime ang UST, 14-31 at nasa double-digits pa rin ang agwat ng Bulldog sa pagtatapos ng third canto, 32-42 subalit nagsimulang sumingasing ang Tigers sa fourth period upang unti-unting ngatngatin ang lamang ng NU.

Tatlo ang lamang ng Bulldogs, 51-48 subalit isang pamatay na tres ang kinana ni Jeric Fortuna upang makapuwersa ng 5 minutes extension ang España-based UST.

Sa extra period lumamang ulit ang Bulldogs ng tatlo may 1:43 na lang sa orasan, isang follow up shot ang binira ni Kevin Ferrer ng sumablay si Jeric Teng sa tres upang ibaba sa isa ang hinahabol ng Tigers.

Masyadong madikit ang depensa ng Tigers kaya na travelling violation si Bulldog reigning MVP Bobby Ray Parks Jr.

Isang spin move ang sinalpak ni Aljon Mariano para selyuhan ang ikapitong panalo ng UST sa walong salang.

Gumawa ng 22 puntos si Mariano, habang 10 ang kinamada ni Karim Abdul at tig walong puntos ang inambag nina Teng, Fortuna at Clark Bautista.

Tangan ngayon ng UST at FEU ang 7-3 win-loss card habang solo sa top spot ang defending champion Ateneo Blue Eagles na may 8-1 karta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply