Titanium plate na-dislocate: GMA naospital uli

DINALA muli sa ospital si Pampanga Rep. Gloria Arroyo kaninang umaga upang isailalim sa computerized tomography makaraang ma-dislocate ang titanium plate nito.

Base sa pahayag ng Patient’s Relations Office ng Makati Medical Center, dakong alas-8:00 kanina nang dumating si dating Pangulong Arroyo doon.

Kinailangang sumailalim si Ginang Arroyo sa CT scan dahil na-dislocate ang titanium plate na inilagay sa spine column nito.

Ayon sa cardiologist ni CGMA, dahil dito naaapektuhan ang kanyang paglunok at kung hindi umano maaagapan ay maaaring malagay sa bingit ng kamatayan ang pasyente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply