To succeed is to share

“To be successful is not only for yourself, it has to be expanded to the people around you – and that’s the community.” – Dr. Villafuerte.

Sa maraming bansa na aking napuntahan at sa rami ng mga taong aking nakasalamuha, iba’t ibang lahi, iba’t ibang istorya at iba’t ibang aral ng buhay ang aking nakuha. Gaya na lamang nang minsan akong bumisita sa Hawaii at nakilala ko ang isang Filipinong doktor doon – si Dr. Villafuerte.

Ipinanganak at lumaki rito sa Pilipinas si Dr. Villafuerte.

Tubong Ilocos Norte ang kanyang ina at taga-Davao City naman ang kanyang ama.

Hindi nagmula sa isang mariwasang angkan si Dr. Villa-fuerte. Average wage earner lang, ang kanyang ama.

Subalit dahil sa bata pa lamang ay kinakitaan na ng katalinuhan, dedikasyon at, higit sa lahat, pangarap, ay pinag-aral at sinuportahan ng kanyang tiya, na nagtatrabaho sa Amerika, ang pag-aaral niya.

“Gustong-gusto kong maging doctor noon. That’s my ambition and it was only my dad who was working, he was making only a minimum wage. So kinausap ko ‘yung auntie ko and she was willing to help,” kwento niya.

Sa University of Santo Tomas siya nag-pre-med samantalang sa Far Eastern University naman niya itinuloy ang pagkuha ng medisina, hanggang sa maging isang ganap na doktor.

Taong 1977 ay nakapag-asawa siya ng isang US citizen, na siya ring naging daan upang makarating siya sa Hawaii.

Nang  makarating  sa Amerika muling sumailalim sa mga pagsasanay at pag-aaral si Dr. Villafuerte. Doon niya ipinagpatuloy ang pagpa-practice niya ng medisina at sa kasalukuyan ay isa siya sa mga Filipinong doktor doon.

Sa tagumpay na kanyang tinatamasa ay hindi kailanman nalimot ni Dr. Villafuerte ang kahalagahan ng edukasyon at ang papel na ginampanan nito upang marating niya ang kinalalagyan niya nga-yon, kung kaya’t maging ang mga anak niya ay iminulat niya rito.

“It is important to get an education, study hard and have one direction,” aniya.

Bukod sa pagiging isang doktor sa Hawaii ay abala rin siya sa pakikibahagi sa ilang organisasyon roon gaya ng Oahu Philippine Community Council at at ilan pang Filipino organization na malaki ang itinutulong hindi lamang sa komunidad doon kundi maging sa ilang kababayan natin na narito sa Pilipinas.

Sapagkat ayon sa kanya ang tunay na tagumpay ay hindi lang ang pag-abot sa mga bagay na pinapangarap mo, ito ay pagbibigay at pag-abot sa mga taong nakapaligid sa’yo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply