Top exec ng TV 5 na nag-hire kay Claudine, urong ang keps sa Tulfo brothers!

ANG Vice President for Programming in Entertainment ng TV5 pala na si Perci Intalan ang nag-hire kay Claudine Barretto para sa isang episode na pagbibidahan ng actress sa The Untold Stories ni Amy Perez.

At kung hindi raw nag-react ang Tulfo Brothers sa pangunguna ni Raffy Tulfo, Erwin, Ben na magkasama sa commentary program na T3 at may kanya-kanyang solong programa rin sa Kapatid network, baka gawin ng contract star ng Cinco si  Claudine.

May point nga naman si Raffy. Alam na alam naman ng mga taga TV5 kung ano ang ginawang pang-aagrabiyado ng mag-asawang Claudine at Raymart sa nakatatanda nilang utol na si kuya Mon Tulfo na nangyari a few months ago sa NAIA Airpot.

Hindi lang nagpakita ng moral support ang istasyon ni Mr. Manny Pangilinan sa Tulfo brothers kundi pinanigan talaga sila ng mga kasama rito, tapos, kukunin ngayon ni Perci ang aktres dahil lang sa pakiusap sa kanya ng manager nito na si Boss Vic del Rosario?

Nasaan nga naman ang code of etchics n’yo nyan?

Hayan tuloy, Ateng Perci, dahil sa ginawa mo nakatikim tuloy kayo ng banat ni Sir Raffy kung saan isinambulat ng hard-hitting radio and tv personality na halos lahat daw ng mga show sa entertainment na hawak ng kaaway nilang ehekutibo sa TV5 ay walang commercial kaya puro lugi ang mga ito.

Well, for sure dalawa sa pinatatamaan rito ni Papa Raffy ay ‘yung dalawang showbiz program ni Manang Cristy Fermin na Ang Luma (yes, luma kasi ang host at luma rin ang mga blind items ni Shalalaletch) at ‘yung ipinalit nila sa Juicy na super nakaaantok.

Grabe! Delubic talaga! Nandyan na nga sina Amy Perez at Cong. Lucy Torres pero bakit hindi pa rin ito mag-rate?

Isa lang ang ibig sabihin niya’n, my BFFT Pete A. Isang malaking zumpa ng kamalasan talaga ‘yang si Manang Cristy sa network na ‘yan ni MVP. At sino ang may pakana para mapunta riyan ang osla at orocanang TV host? Zino pa kundi si Ateng Perci. Naku! Wala siyang ka-asset asset gyud!

***

Anna Dizon, walang naging regrets sa singing career noon

SAY ni Anna Dizon, kahit ilang years na siyang hindi visible sa showbiz, wala pa rin siyang regrets sa nangya- ri sa kanyang singing career noon. Ano ba naman kasi ang dapat niyang pagsisihan ni Anna eh, andami niyang naging achievements, kasama na riyan ang award na kanyang tinanggap mula sa Gawad Amerika kung saan pumunta talaga ang dating BMG Recording Artist ng Tate para personal na tanggapin ang kanyang thropy sa nasabing Inter -national Award Giving Body.

Hindi lang ‘yan, kaliwa’t-kanang show ang nagka-interes para i-guest nila si Anna at ilan diyan ay ang sikat na sikat noong Mel and Jay nina Mel Tiangco at Jay Sonza at Martin After Dark ni Concert King Martin Nievera.

‘Yung dalawang album ng magandang singer businesswoman sa BMG ay pawang nag-hit rin. At ‘yung Music Video niya titled “Nang Mawala Ka”, halos one year pinalabas sa MTV Asia na pinagre-reynahan noon ni Donita Rose.

Sa ngayon kahit na nami-miss niya ang pagkanta ay wala muna rito ang priority ni Anna. Super busy kas siya sa kanyang sariling international agency na ATD International Services Incorporated na lampas dalawang dekada ng nag-ooperate rito sa ating bansa.

Pabalik-balik sa iba’t-ibang countries si Anna lalo na sa Malaysia kung saan dito ang destinasyon ng kanyang mga ipinadalang waiter na mga nagta-trabaho sa 5-Star Restaurants na pag-aari ng Chaswood Group of Companies na well compensated at free board and lodging pa with two years contract.

Nangangailangan rin ng solo, band group, pianist, keyboardist etc na sa mga sosyal na hotel sa Japan ang booking. At siyempre pa, tumatanggap pa rin sila ng mga DH na aplikante. Magsadya ng personal sa ATD International sa Unit 11 B Gloria Bldg. No. 157 A. Bonifacio Ave cor. Agudo St., Quezon City.

At para sa inyong application appointment tawag na sa 355-9180 and look for Ms. Dina San Miguel or Ching Santos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply