Totoy nalunod sa creek, patay

DEDO ang isang totoy matapos mahulog sa creek habang dumudumi sa Caloocan City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na s Cadie Larase, 5 ng Tanigue St., ng lungsod na patay na nang lumutang sa creek.

Nabatid na alas-7:30 ng umaga, nagpaalam ang biktima sa ina na dudumi sa kanilang banyo na nakapatong sa creek sa nasabing lugar.

Alas-10 ng umaga ay hindi na nakita ang biktima na naging dahilan upang tignan ng ate na si Danica, 7 ang kapatid hanggang sa makitang nakalutang na sa creek.

Agad na sinabi ni ate sa mga magulang ang nakita na naging dahilan upang kunin ang biktima subalit patay na.

Nabatid pa na walang dingding ang banyo ng mag-anak na hinihinalang nadulas ang bata at nahulog sa creek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply