Tracking team binuo vs Tambunting pawnshop holdup suspek

BINUO ngayon ng Pasay City police ang tracking team para madakip ang mga suspek na nanloob sa Tambuting pawnshop sa loob ng Metropoint mall, EDSA, Pasay City.

Samantala, nanawagan si Pasay City Police Chief, Sr. Supt. Melchor Reyes sa taxi driver na sinakyan na ginamit sa pagtakas ng dalawang suspek na makipagtulungan sa mga awtoridad.

Batay sa nakuhang artist sketch, ang mga suspek ay nasa 28-33 anyos may taas na 5’3-5’4″, pangalawa ay nasa 30 anyos, nasa 5’4 ang taas’, ang pangatlo ay nasa 35-40 anyos, may taas na 5’7-5’8″ at ang pang-apat ay nasa 40 anyos-45 anyos at nasa taas na 5’6-57″.

Ayon kay Supt. Reyes, lumalabas sa kanilang imbestigasyon, apat hangaang walong suspek ang sangkot sa P32 milyon pawnshop robbery holdup dakong 3:15 kahapon ng hapon.

Bago naganap ang pangho-holup, bumibili ng martilyo sa isang hardware ang isang suspek pero dahil kahoy umano ang hawakan, pinalitan ito ng Liyabe tubo na siyang ginamit para pasagin ang istante na kinalalagyan ng mga alahas.

Binigyan pansin ni Reyes ang naging kapabayaan ng mga security guard sa loob ng Metropoint mall dahil nakalusot ang baril ng suspek na ginamit sa pagpapaputok nito.

Pinuna rin ni Reyes ang pagiging-relax ng seguridad sa loob ng mall na tatlong ulit nang hinoholdap katulat ng money changer, at dalawang ulit sa Tambuting pawn shop.

Sa kasalukuayan, inaalam na ng mga imbestigador kung may mga kasabwat na guardya sa loob ng mall ang mga suspek dahil nanonood lamang ang mga ito habang nagaganap ang pawnshop robbery.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply