Trade sa PBA umiinit

LALONG umiinit ang balitaktakan hinggil sa mga napapabalitang trade ng mga player sa PBA.

Naulat na interesado ang Ginebra na makuha si Jayvee Casio subalit may lumabas na pati ang bayani sa pagkakapanalo ng Smart Gilas II sa katatapos na 34th William Jones Cup na si LA Tenerio ay nasama sa trading block.

Lumabas na may nilulutong multiple-team trade at ayon kay Kings coach Siot Tanquingcen, kung magkakaproblema kay Casio ay mapipilitan silang kunin si Tenerio.

Kasama sa mga usapin ang San Mig Coffee (B-Meg), Meralco, Petron Blaze at Alaska at ilang players para sa future draft picks ng teams.

Subalit ayon kay Tenorio wala siyang naririnig tungkol sa trade.

Una sa listahan ni Tanquingcen si Casio at handa nitong ipalit sina Mike Cortez at Enrico Villanueva.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply