Trahedya sa libing: Ginang patay, 14 pa sugatan

(UPDATE) SANTIAGO CITY, Isabela- Agad namatay ang isang ginang habang 14 ang nasugatan matapos magbanggaan ng dalawang pampasaherong bus at makaladkad ang mga taong makikipaglibing na bumabagtas sa kahabaan ng national highway sa Sinsayon, ng lungsod.

Nasawi ang biktimang si Imelda Ramos, 49, na sakay ng isang motorsiklo na pumailalim sa Dalin Bus Liner na may palakang BVA-652 matapos itong makaladkad, 50/50 naman ang kanyang asawa na si Geronimo Ramos, 51, kapwa residente ng Barangay Suyong, Echague, Isabela,

Ang Dalin bus na galing sa Metro Manila ay minamaneho ni Jay Babas ng Cauayan City at nang makarating sa Sinsayon, Santiago City ay nagtangka ang driver na lampasan ang mabagal na usad ng mga nakikilibing sa isang patay ngunit siya namang pagdating ng RBT Tours na may plakang BVJ-446 na may lulang 36 estudyante na dadalo sana sa isang seminar sa Nueva Vizcaya.

Pitong estudyante na sakay ng RBT Tours na minamaneho ni George Castillo ng Jones, Isabela ang nagtamo ng minor injury habang tatlo ang nasugatan na sakay ng isang traysikel na nakalakadkad din ng Dalin Liner bus.

Nasa kritikal na kondisyon din ang 60-anyos na si Rosalia Bino, habang nasugatan ang mga kasamang sakay ng tricycle na sina Rosel Rodrigo at Rochelle Diego.

Nasugatan din si Benjamin Bino na naglalakad sa likod ng karo ng ililibing na patay.

Nasugatan din ang mag-ama na sakay ng tricycle na nilalapatan na sa isang pribadong ospital sa Santiago City.

Posibleng pa umanong madagdagan ang bilang ng mga nasugatan habang inaalam pa ng Santiago City Police Office ang iba pang itinakbo sa mga ospital sa Santiago City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply