Trak ng basura sumirko: 2 basurero todas

TODAS ang dalawang basurero habang lima pa ang nasugatan nang magpagewang-gewang hanggang sa bumaligtad ang isang trak ng basura na nawalan ng preno sa Brgy. Tapol, Talisay City, Cebu.

Nagtamo naman ng matinding sugat at pasa at ginagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sina Ramil Amagos; Dante Olid, drayber ng trak ng basura; Renante Abatayo at Paterno Villaza na tumilapon palabas ng trak.

Ayon sa drayber ng garbage truck, maayos pa ang preno ng sasakyan sa unang pagpunta niya sa dumpsite ngunit bigla itong nagkaaberya.

Nagpaabot na ng tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa naiwang pamilya ng dalawang namatay na basurero at maging sa pamilya ng mga nasugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply