Trak sumalpok sa poste: 1 patay, 15 sugatan

DEAD on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang pasahero habang 15 pa ang nasugatan makaraang mabangga sa poste ang sinasakyang forward truck sa Sitio Kolondatal, Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato.

Nabatid na galing ang trak lulan ang mga negosyante sa Brgy. Miasong, Tupi, ng naturang lalawigan at papunta sana sa Koronadal City upang magbenta ng gulay.

Nang nasa Brgy. Tablu, Tampakan na ang naturang trak, nawalan ito ng preno dahilan upang magdesisyon ang driver na ibangga na lamang ito sa poste upang hindi sila mahulog sa napakalalim na bangin.

Agad na rumesponde ang Tampakan PNP at isinugod ang mga biktima sa naturang pagamutan ngunit hindi na umabot pa sa ospital ang namatay na si Prudencia Ardimil.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Joey Valencia, driver at anak ng may-ari ng naturang forward truck, Michael Imar, Elena Estapader, Virginia Valencia, Gina Lingkasan, Bernadette Malig-on, Mercidita Teves, Elen Samio, Delia Palmes, Cheryl Malig-on, Dencio Emarga, Merlyn Escobillo, Patrick Oralde, Julita Subak at Rosalinda Gabihan, na kasalukuyan pa ring ginagamot sa nasabing ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply