Trak sumirko sa Alang-alang, Leyte, 4 sugatan

APAT katao ang nasugatan makaraang sumirko ang isang six-wheeler truck sa Alang-alang, Leyte.

Nabatid na galing sa  isang barangay sa nabanggit na lalawigan ang trak  na may kargang mga ibibentang copras nang mangyari ang insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na mechanical error ang naging dahilan ng pagbaliktad ng truck.

Kaagad dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima na hindi pa pinangalanan ng pulisya.

 

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply