Transportasyon sa bansa dapat ipasuri

IMINUNGKAHI ng oposisyon kay Pangulong Aquino na ipasuri ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas maging ito man ay sasakyang panghimpapawid at pandagat.

Kasunod na rin ito ng pagkamatay ni DILG Secretary Jesse Robredo at dalawang piloto matapos bumagsak ang kanilang eroplano sa karagatan ng Masbate.

Sa isang press conference, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na naka-aalarma ang kalagayan ng mga sasakayan lalo na ang maliliit na eroplano na ikinamatay na ng maraming opisyal.

Nababahala din ang oposisyon dahil mismong ang Pangulo ng bansa at pamilya nito ay walang matinong presidential aircraft katunayan ay madalas na gumagamit ng chartered flights ang Pangulo tuwing may official travel ito.

“We call on the administration to immediately conduct a review all of modes of public transportation, whether land, sea of air.  We are expressing our concern for the safety of the President and his family because our country does not have a dedicated Presidential plane and he takes chartered flights for official travel,” ayon kay Suarez.

Kasabay nito ay iminungkahi ni Suarez kay Pangulong Aquino na bumili na ng tatlo hanggang apat na eroplano na maaaring magamit nito at ng Gabinete sa tuwing magbibiyahe sa loob at labas ng bansa.

Sa pagtaya ni Suarez, maaaring abutin ng $65-70 million ang gagastusin dito ng goyberno at maaari namang isama sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay dahil nasa ilalim umano ng Philipine Airforce ang presidential arilift wing na umano’y binubuo ng mga lumang eroplano na matatanda pa sa Pangulo samantalang noong mga nakaraang administrasyon ay mayroon fokker plane na ginagamit ang Malakanyang na nabili pa noong 1960s o 1970s.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply