Trash boats para sa LGUs

APAT na local government units (LGUs) sa paligid ng Manila Bay, ang unang pagkakalooban ng trash boats ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang mga nakatanggap ng trash boats noong July 21, 2012 sa Plaza Mexico sa Intramuros Manila ay ang mga siyudad ng Maynila, at Malabon sa kamaynilaan. Obando sa Bulacan at ang provincial government ng Cavite.

Ang mga tumanggap ng naturang trash boats ay sina Mayor Alfredo Lim ng Maynila, Acting Mayor Antolin Oreta III ng Malabon City; Mayor Orencio Gabriel ng Obando; at Gobernor Jonvic Remulla ng Cavite.

Ang pangunahing babalikatin ng LGU
•    Pagpopondo para sa operasyon at sa mga manggagawa gayundin ang pagmimintina sa kaayusan ng trash boats.
•    Ang LGU ay kailangan mangolekta ng basura ng 2 beses sa loob ng isang linggo, o kaya ay anumang oras na kakailanganin ito.
•    Ang maayos at tamang paraan sa pagdispatsa sa mga nakolektang basura, na kinakailangan sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang tinatawag na Ecological Solid Waste Management Act.

Ang 30 feet na habang trash boats may rotating rake-like device na nakapag-scoop up ng 3 toneladang nangaglulutangang basura. Ang mga basura ay inilalagay sa deck ng trash boat, kung saan kamay sa kamay na pinaghihiwalay ang sari-saring klase ng basura at inilalagay sa mga sisidlan bago ito itapon sa mga nakalaang angkop na mga tapunan.

Sinabi rin ni MBCO Director Noel Gaerlan na maliban sa 24 na trash boats, nagbabalak din ang DENR na bumili ng “trash skimmer” na gagamiting pangolekta ng mga lumulutang na basura sa kahabaan ng Manila Bay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply