Tricycle driver binaril, patay

TODAS ang isang tricycle driver matapos itong malapitang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin na kasamang naglalakad ng una kaninang madaling araw August 18, sa Hulong Duhat, Malabon City.

Dead on the spot sa pinangyarihan si John Eric Biazon, 20, binata, ng 19 Sampaguita St., Oliveros compound Hulong Duhat ng lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa kanang bahagi ng tainga.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit nitong baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 2:10 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa tulay sa pagitan ng Malabon at  Navotas .

Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya, magkasamang naglalakad ang una at ang suspek habang patawid sa nasabing tulay at bigla na lamang nakarinig ng isang putok at nakita na duguang nakahandusay si Biazon habang biglang naglaho ang kasama nito.

Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ang isang empty shell ng di pa batid na kalibreng baril na ginamit sa krimen.

Patuloy nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply