Tricycle driver, todas sa riding in tandem

HINDI na nagawang maisalba ng mga manggagamot ng Metropolitan Hospitalis ang 39 anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Alex Hilario Y Sumbillo, may asawa ng 1507 Tindalo St., Tondo, Manila, habang mabilis namang tumakas ang mga suspek na lulan ng kulay itim na motorsiklo na walang plaka, makaraang isagawa ang krimen.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Amelito Lopez kay P/Sr.Insp. Joselito De Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:30 ng tanghali, nang maganap ang naturang krimen sa paradahan ng tricycle sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Mayhaligue St., sa Tondo.

Nabatid sa report ng pulisya, habang naghihintay ng pasahero si Hilario sa nasabing lugar, lulan ng kanyang improvised tricycle (DQ-2444, nang sumulpot ang magka-angkas sa motorsiklo, hanggang sa magbunot ng baril ang naka-angkas na gunman, saka tatlong beses na pinaputukan ng baril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan, bago mabilis na pinaharurot ang sasakyan at tuluyan na itong naglahong parang bula.

Ilang kasamahang tricycle driver ang nagtulong tulong para maisugod ang biktima sa nasabing pagamutan, subalit idineklara itong dead on arrival.

Hinala ng pulisya na atraso ang motibo ng pamamaril. Patuloy na nangangalap ng testigo para sa ikalulutas ng kaso.Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply