Trike driver na nakapatay sa kabaro, nadakip

NAARESTO na rin ng Manila Police District ang isang tricycle driver na pumatay sa kanyang kabaro matapos ang apat na araw nitong pagtatago sa batas.

Ayon kay SPO1Ramir Dimagiba ng MPD Homicide Section, dakong alas-8:15 kagabi nang maaresto ng mga tauhan ng MPD Criminal Investigation Branch ang suspek na si Benito S. Villafuerte, 37, ng P. Guevarra St., Sta. Cruz, Maynila

Sa record ng pulisya, matapos sulutan ng pasahero ng suspek ang biktimang si Dante O. Mariano, 43 ng J. Barlin St., sa Sampaloc noong August 18, 2012 ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mapatay ng suspek ang biktima.
.
Sa follow up operation, gumamit ng babaeng asset ang pulisya at nagkunwaring nangangailangan ng textmate at nang magkasundo ay nagtakda ng date alas-7:30 sa isang restaurant sa SM Fairview, Quezon City.

Habang nag-uusap ang suspek at kanyang ‘textmate’ ay saka lumantad ang operatiba ng MPD at inaresto si Villafuerte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply