P52-M jackpot ng Lotto 6/45 kinubra ng trike driver

KINUBRA na ngayon ng 43-anyos na tricycle driver ang mahigit P52 milyon jackpot sa Lotto 6/45 na binola noong Miyerkules.

Ang tricycle driver na taga-Laguna, may-asawa’t isang anak, ay 10 taon na ring tumataya sa lotto at noong Agosto 24 ay natumbok din nito ang 29-30-10-38-31-37 combination.

Ayon sa maswerteng lotto winner, ang napanalunan ay ibibili niya ng house and lot, maglalaan para sa negosyo at iipunin upang ipantustos sa pag-aaral at pangangailangan ng anak.

Personal na iniabot ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II ang tseke na nagkakahalaga ng P52, 244, 391.60 sa maswerteng mananaya sa tanggapan nito sa Pasay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply