Truck na ginamit sa pag-atake sa 2 HPG, karnap; may-ari hinostage

MARIING ipinaliwanag ng may-ari ng sasakyan na ginamit sa pag-atake ng armadong rebelde na hinostage umano siya bago namaril ng mga pulis sa checkpoint sa barangay Malasila, Makilala North Cotabato .

Batay sa salaysay ng biktima na si Ramon Del Corro una munang siyang pinigil ng grupo at hinostage noong Miyerkules at sapilitang kinuhan ang kanyang Kia Bongo frontier na sinakyan ng mga armado sa kanilang pagsalakay kahapon kasama ding na-hostage ang anak ng na kinilalang si Kenneth at helper nitong si Jun Villamor.

Sa salaysay ni Del Corro, isang araw bago nangyari ang pag-atake ay inupahan ang kanilang truck sa halagang P14,000 para mag-deliver ng 200 rubber seedlings sa Bislig Surigao del Sur.

Si Del Corro ang nagmaneho at silay dumaan sa Davao-Tagum road at dito sila ay pinagsabihan na dumiretso sa Toril District, Davao City makaraan ang isang oras, sila ay sinabihan na dumaan sa Davao Makilala highway habang pagdating sa boundary ng North Cotabato at Davao Del Sur ay pinababa sila sa sasakyan at dito ay pinalibutan ng tinatayang
30 armadong lalaki at 3 babae.

Sila ay pinakawalan lamang alas siyete kahapon ng umaga at agad silang nagsumbong sa police station at dito na natuklasan ni Del Corro na ginamit ang kanyang sasakyan sa pag-atake sa check point na ikinamatay ng dalawang HPG operatives.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply