Tserman huli sa video na humihithit ng shabu

NAGSILBING shabu den ang isang barangay hall sa lungsod ng Maynila matapos na makunan ng video ang paghithit mismo ng barangay chairman at lady striker nito.

Si Augusto ‘Jojo’ Salangsang ng Barangay 261, Zone 24, District II, at ang lady striker na si Jocelyn “Neneng Pilay” Geslaya, naninirahan na rin sa naturang barangay hall ay aktong nakunan ng video footage sa loob mismo ng brgy. hall.

Nabatid na si Geslaya ang taga-bili ng shabu at nairekord rin sa video na ipinagmamalaki ni Salangsang na kumpare niyang lahat ang mga pulis sa Bambang PCP kaya hindi sila ginagalaw.

Una, inakusahan si Salangsang nang paggamit ng bawal na droga subalit nang sumalang sa drug test ay nagnegatibo.

Gayunman sa paglabas ng video, tumibay ang ebidensya laban kay Salangsang na napatunayan na isang adik at ginawa pa niyang drug den ang mismong barangay.

Todo tanggi naman si Salangsang at sinabi na hindi siya ang nasa video.

Kaugnay nito, ipinag-utos ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim na kasuhan ng kriminal at administratibo si Salangsang na ngayon ay nakukulong na sa Manila police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply