Tsinay na mahilig manlait ng maliliit

MAHIRAP ang araw-araw na trabaho ng traffic enfrocers dahil madalas ay bilad sila sa init ng araw at minsan naman ay sa ulan para lang maipa-tupad ang trabaho nilang pagsasaayos ng trapiko sa mga lansangan.

Hindi nila alintana ang usok ng mga tambutso ng sasakyan at alikabok na kanilang nasisinghot na sa totoo lang ay mapanganib sa kanilang kalusugan.

Sa Quezon City, hamak na mataas ang buwanang kita ng traffic enforcer na miyembro ng Department of Public Order and Safety dahil bukod sa may sahod silang P7,000 ay may porsiyento rin sila sa tiket na kanilang iniisyu mula sa mga na-sisita nilang mga pasaway na tsuper.

Sa Maynila, ang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ay tumatanggap lang ng P3,000 allowance kada buwan at dagdag na kita mula sa tiket din na kanilang naisisilbi sa mga nahuhuling tsuper na lumalabag sa batas trapiko.

Dahil maliit ang kita ng traffic enforcers ng Maynila, hindi ibig sabihin nito ay patay-gutom na ang mga ito tulad ng madalas sabihin ng isang Cristina Ong na residente ng Pasay City.

Ang babaeng ito na lulan ng magandang sasakyan (ZBM-529) ay madalas gamitin ang pangalan ni Supt. Ferdinand Quirante, hepe ng Manila Police District-Meisic Station, kapag nahuhuli ng traffic enforcer dahil sa paglabag sa batas trapiko. Col. Quirante, baka po hindi ninyo alam ang ginagawa nitong babaeng ito na nagpapakilalang ka-ibigan niyo at malakas sa inyo.

Hindi lang nito tinatakbuhan ang miyembro ng MTPB na humahabol sa kanya kundi pinagmumura pa nito at sinasabihang patay-gutom. Sa pangalan lang, aakalain mong magandang babae, pero kahit anong ganda ng babae kapag pangit ang ugali ay pangit pa rin sa paningin ng marami.

Magaling din ang babaeng ito dahil bukod sa pinagmumura na nito ang traffic enforcer na tumutupad lang sa kanyang tungkulin,  nagsusumbong pa ito kay Chief Insp. Rizalino Morales, ng Gandara Police Community Precinct, na nag-utos sa kawawang traffic enforcer upang  humingi ng tawad sa babaeng may masamang ugali. Ang kawawang miyembro ng MTPB bukod sa pinagmumura na ay nilait-lait ulit ng name dropper na bebot.

Nang mabatid ng hepe ng MTPB na si Nancy Villanueva ang pangyayari ay hindi nito matanggap na ang matino niyang tao pa ang sinabon at binanlawan ng abusadong babae.

Lumalabas na si Major Morales at kapatid nitong Konsehal na si Ramon Morales ang kakilala at hindi si Col. Quirante.

Hindi lang iisang traffic enforcer ang winalanghiya ng babaeng ito, kundi marami na. Bakit kasi kinakampihan ng mga pulis ang ganitong klaseng tao na simpleng traffic pa lang ay nilalabag na, paano ang iba pang batas? Ano ba ang negosyo nitong si Ong sa Binondo at tila sunud-sunuran si Major Morales dito? Baka naman shabu?  Eh, malaki nga ang pakinabang dito.

Kaya siguro ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF)  ay hindi sa Meisic Police nakikipag-coordinate dahil alam nilang may ilang mga pulis dito na nagbibigay proteksyon sa droga sa nasabing lugar.

Noong nakaraang buwan ay may dalawang dayuhan na naaresto sa Binondo at ang kaso ay droga. Hindi nakipag-coordinate sa Meisic Police Station ang AIDSOTF dahil batid nilang may opisyal dito na swak sa sindikato ng droga. Tila nabili na niya ang lugar dahil matagal na siyang hindi naaalis dito at umiikot na lang siya sa iba’t ibang puwesto.

Congrats nga pala kina Chief Insp. Arnulfo Ibanez, ng AIDSOTF at Sr. Insp. Rolando Lorenzo Jr, ng Manila City Hall Public Assistance, na nagtulungan upang maaresto ang dalawang dayuhan sa Binondo na sangkot sa pagpapakalat ng droga. Keep up the good work!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply