Tsunami alert level 3 itinaas, magnitude 7.9 na lindol mas malakas sa naganap sa Baguio City

AGAD pinalikas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residenteng malapit sa karagatan makaraang itaas sa alert level 3 ang tsunami warning sa Mindanao at Visayas matapos yanigin ng malakas na lindol.

Alas-9:30 kanina nang yanigin ng magnitude 7.7 na lindol ang Guiuan, Eastern Samar.

Nauna nang naitala ang magnitude 7.7 na lindol ng Phivolcs kung saan natunton ang epicenter nito sa 122 kilometro timog-silangan ng Guiuan at may lalim na 34.9 kilometro.

Kailangang agad na lumikas ang mga residente na malapit sa karagatan sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Southern Leyte, Surigado del Norte at Surigao del Sur.

Ang red alert warning na ibinaba ng Phivolcs ay nangangahulugan na posibleng umabot sa tatlong metro  pataas ang taas ng alon.

Ang pagyanig sa ilang probinsya sa Mindanao at Visayas ay sinasabing mas malakas pa sa lindol noon sa Baguio City, taong 1990 kung saan isang libong katao rin ang naitalang binawian ng buhay matapos ma-trap sa mga gumuhong gusali.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply